Ipinahayag din ng gobernador na sa susunod na taon ay maglalaan naman ang pamahalaang panlalawigan ng pondo para sa filtration system ng mga water supply system para masigurong malinis at maaaring inumin ang mga tubig dito.

Ito umano ay para matiyak na hindi lamang may dumadaloy na tubig, matiyak din na malinis at ligtas inumin ang mga tubig para maiwasan ang pagkakasakit na kalimitanng naaapektuhan ay mga bata.

Nagkaloob din ng paunang tulong ang pamahalaang panlalawigan ng halagang isandaang libong piso (P100,000.00) sa Barangay Camaysa para sa mga kakailanganin pang tubo para mapakinabangan na nang barangay ang maayos at malakas na daloy ng tubig.

Ayon sa dalawang kapitan na sina Renato Mayor ng Brgy. Lalo at Carmelo Cabarrubias ng Brgy. Camaysa, hindi na mararanasan ng kanilang mga kabarangay ang mawalan ng tubig kaya naman lubos ang pasasalamat ng mga ito sa pamahalaang panlalawigan.(Quezon PIO/RMO, PIA-Quezon)

- Source: http://news.pia.gov.ph/article/view/701401947395/tagalog-news-2-barangay-sa-tayabas-city-benipisaryo-ng-water-supply-system-project-ng-pamahalaang-panlalawigan#sthash.jKl8goBH.dpuf

Bids & Awards
Downloadable Form
Full DISclosure
Resolutions & Ordinances

Back to Top