Inihayag din ni Suarez ang paglalaan nila ng P200,000 bilang paunang pondo sa Unang Ginang Anna Villaraza Suarez scholarship collegiate fund para sa mga estudyanteng magtatapos na makakapasok sa mga top universities tulad ng Ateneo, La Salle, UP at UST.

“Uumpisahan namin ito at mag-iikot pa ako sa mga private institutions para makalikom ng pondo para ma-develop ang scholarship na ito. Hihikayatin ko din ang Aboitiz Corp., Team Energy, Quezon Power Ltd. na magbigay din ng katulad na scholarship,” ani Gob. Suarez.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro, magulang at mag-aaral sa pamumuno ng pangulo ng Samahan ng mga Magulang at Guro na si Allan Elmer Merto kay Gob. Suarez sa pagpapagawa ng maganda at malaking dormitoryo. Gayundin sa patuloy na suportang ipinagkakaloob nito sa paaralan at pagmamalasakit sa mga kabataan.

Sa kasalukuyan, may mahigit 283 mag-aaral ang QSHS na nagmula pa sa 39 na bayan at dalawang lungsod ng lalawigan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/JMG, PIA-Quezon/FSC, PIA-4A)

- Source: http://news.pia.gov.ph/article/view/2931415320897/tagalog-news-bagong-dormitoryo-ng-qshs-pinasinayaan#sthash.vJgkiy1U.dpuf

Bids & Awards
Downloadable Form
Full DISclosure
Resolutions & Ordinances

Back to Top