Sa category A - 1st and 2nd class municipalities: outstanding BNS si Ma. Theresa B. Fornasa ng Barangay Malusak, Atimonan na nagkamit ng P40,000 cash; outstanding barangay nutrition council ang Barangay Opias ng Tayabas City na may kalakip na P80,000; outstanding municipal action officer si Marinela Z. Chong ng Tayabas City na nagkamit ng P40,000; at outstanding municipal nutrition council ang Atimonan na may premyong P200,000.

Sa category B-3rd, 4th and 5th class municipalities: outstanding BNS si Susan A. Medinar ng Barangay Binagbag, Agdangan na nagkamit din ng P40,000; outstanding barangay nutrition council ang Barangay Sangirin ng Perez, na may premyong P80,000; outstanding municipal nutrition action officer si Dr. Ma. Cecilia N. Sarganto ng Panukulan na nagkamit ng P40,000; at outstanding municipal nutrition council ang bayan ng Alabat na nagkamit ng P200,000.

Dumalo si Quezon Gov. David “JayJay” C. Suarez, na nanguna sa pakikisalamuha sa mga BNS, municipal nutrition action officers, provincial multi-sectoral committee at barangay nutrition councils mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Sa kanyanbg mensahe, sinabi ni Gov. Suarez na ang probinsya ng Quezon ang may pinakamaganda at may maayos na nutrition program na naipatupad. Una na rito, ang pagpapatupad ng programang “Isang Libong Araw ng Buhay ng Siang Tao, “ bago pa man ito maging programang nasyonal na isinagawa ng National Nutrition Council na nasa ilalim ng Department of Health.

Naging panauhin din si ALONA-partylist representative Anna Villaraza-Suarez na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa pagpapalaki ng kaniyang tatlong anak sa pamamagitan ng tamang nutrisyon at kalusugan.

Naging panauhin din sina former senator Ferdinand Marcos Jr., Carlo Villafranca na kumatawan kay Vice-Gov. Sam Nantes, Regional Nutrition Program Coordinator (Calabarzon) Carina Z. Santiago, board members Beth Sio, Dorai Tan, Jerry Talaga, at Raquel Mendoza. Ang nasabing programa ay naglalayong mabigyan ng tamang gabay ang mga mamamayan lalu’t higit ang mga buntis ng upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. (PIA-Quezon/ Quezon PIO)

Bids & Awards
Downloadable Form
Full DISclosure
Resolutions & Ordinances

Back to Top