[ PORTAL ] [ APPS ] [ LOGIN ]

Contact Us
Feel free to contact us if you have any questions
 

FORGOT YOUR PASSWORD?

*

Official Website of Tayabas City

PESO JOB FAIR 2017

 

  

 

Sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE), City Social Welfare and Development Office at suporta ng Gender and Development Office ay isang Job and Business Fairs ang inilunsad sa pagbubukas ng 10th Cityhood Celebration ng Lungsod ng Tayabas. Ginanap ito sa Silungang Bayan ng Tayabas nitong Hulyo 10, 2017.

Nagbigay ng kanilang pananalita sina Konsehala Lovely A. Reynoso, PESO Manager Mary Lou D. Montoya at Ginang Veneracion R. San Juan. Isa sa binigyang diin nila ay ang pagbibigay ng suporta sa mga single-parent upang mapaunlad nila ang kanilang mga sarili sa larangan ng negosyo at trabaho.

Nagbigay din ng pananalita si Binibing Genecille Aguirre, DOLE Focal Person for Employment para sa ginanap na Job Fair at si Ginoong Ohmar Lorena naman, DOLE Focal Person for Livelihood naman ang naging tagapagsalita sa Livelihood Orientation.

Labing-tatlong employers ang naki-isa isinagawang job fair. Ito ay ang mga sumusunod: CDO – Foodsphere Inc., Lucena Lines Inc. / JAC Liner Inc., Celebrity Cable Network, Colorsteel Systems Corp., Abest Express Inc., Velfram Foods Corporation, Mother’s Way Overseas Manpower Specialist, National Grid Corporation of the Philippines, Taytay sa Kauswagan, Inc., Giant Petroleum Concepts Phils. Inc., Fundline Finance Corporation, Epson Precision Inc. at Kundiman Bar and Restaurant.

Umabot sa tatlongdaan at sampu (310) na mga bakanteng trabaho ang maaaring mapasukan sa mga nasabing kumpanya.

Siyamnapu’t-apat (94) NA Tayabasin ang naitalang nakilahok sa Job Fair na ito. Walumpu’t walo (88) ang naitalang Qualified Applicants o Near Hire. Mayroon din namang mga naitalang Hired on the Spot (HOTS). Labing-walo para sa kumpanyang Epson Precision Inc. at dalawa (2) naman para sa Mother’s Way Overseas Manpower Specialist.

Si Binibing Ma. Zarina A. Bagangan ang nagsilbing Master of Ceremony para sa okasyong ito.

Tunay nga naman napakagandang simulan ang pagdiriwang ng Cityhood Celebration sa isang Job and Business Fairs kung saan nagagawan ng isang lungsod ng paraan na magkaroon ng trabaho at hanap-buhay ang mga mamamayan nito. Ang pag-unlad ng bawat-isang mamamayan ay katumbas ng pag-unlad ng lungsod sa pangkalahatan.

 

fShare
0
VIEW ALL -
  • Tayabas Run Against Rabies
    18 October 2017 by ictweb, in Latest News
    Tayabas Run Against Rabies
    TAYABAS RUN AGAINST RABIES
    Read More +
  • Blood Letting
    06 October 2017 by Aegan , in Latest News
    Blood Letting
    BLOOD LETTING ACTIVITY We are inviting all Tayabasin to Donate Blood this upcoming October 16, 2017. See you there!
    Read More +
  • PESO Job Fair 2017
    06 October 2017 by Aegan , in Latest News
    PESO Job Fair 2017
    PESO JOB FAIR 2017 Sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE), City Social Welfare and Development Office at suporta ng Gender and Development Office ay isang Job and Business Fairs ang inilunsad sa pagbubukas ng 10th Cityhood Celebration ng Lungsod ng Tayabas. Ginanap ito sa Silungang Bayan ng Tayabas nitong Hulyo 10, 2017
    Read More +
Official Website of Tayabas City
TOP