272471463_261774649402407_1226071819661999492_n

Image 1 of 17

Isang libong (1,000) kilo ng iba’t-ibang uri ng plastic wastes ang ibyinahe ng mga tauhan ng General Services Office-Ecological Solid Waste Management Unit (GSO-ESWMU) papuntang Antipolo City upang i-deliver sa planta ng Solid Cement Corporation o Cemex kung saan ito ipoproseso ng kumpanya.
Ang partnership ng LGU-Tayabas at Solid Cement Corporation para sa ganitong gawain ay nabuo sa pamamagitan ng GSO na pinamumunuan ni Bb. Cecille Potestades at pamunuan ng Cemex. Ito ay parte ng kanilang Corporate Social Responsibilty o CSR. May basbas ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang makabuluhang proyektong ito.
Ang unang batch ng plastic wastes ay naipon at hinirang buhat sa mga kinolektang basura ng mga garbage collection team mula sa mga kabahayan sa nalolooban ng Tayabas. Produkto din ito ng isinigawang waste segregation program na “Basura Mo, Papalitan Ko.”
Layunin ng partnership na ito na mabawasan ang mga itinatapong basura sa ating sanitary landfill.