272602144_261211892792016_3393960580922265132_n

Image 1 of 23

Pinangunahan ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang pamamahagi ng P1,500 financial subsidy at 1,500 financial assistance sa mga Treasurer, Secretary, Lupong Tagapamayapa, Bantay Bayan at BHW ng iba’t ibang Barangay ng Tayabas.
Ang nasabing financial subsidy ay bunga ng ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na naglalayong bigyan ng subsidiya ang mga nanunungkulan sa barangay na itinalaga ayon sa batas.
Kasama sa okasyon ang mga konsehal na nagsulong ng local ordinance na ito kabilang na si Konsehal Dino Romero, Konsehal Farley Abrigo at Konsehal Luz Cuadra.
Nandoon din para sumuporta sa gawain sina Kapitan Rommel Barrot at Carmelo Cabarrubias, Bb. Elsa Rubio, at Former Councilor Lovely Reynoso-Pontioso.