272302590_260649559514916_1214198485307782124_n

Image 1 of 11

Apat (4) na Barangay officials ang tumanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lokal ng Tayabas sa pamamagitan ni Mayor Ernida A. Reynoso.
Tinanggap ngayong hapon ng anak ni Kapitan Cirilo Abadilla ng Brgy. Wakas ang tsekeng nagkakahalaga ng P5,000 bilang tulong sa pambayad sa gastos sa ospital matapos ma-confine si Kapitan Eloy dahil sa stroke. Si Kristel Ann Pablo naman ang tumanggap ng tsekeng nagkakahalaga ng P15,000 bilang burial assistance sa namayapang BHW na si Benilda Razalan.
Pinagkalooban din ng P7,500 cheque si Abegail Calabano bilang tulong sa kanyang hospitalization expenses. Samantalang tsekeng nagkakahalaga ng P15,000 naman ang tinanggap ni Rolando Cabuyao bilang burial assistance sa namayapang Barangay Tanod na si Bernardo Cabuyao.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang tseke sa kinatawan ng mga nabanggit na benipisyaryo. Habang naging saksi sa pamamahagi sina Former Councilor Lovely Reynoso, Kgwd. Malou Tabi at Gng. Elsa Rubio.