272985201_265744845672054_2066573527131596846_n

Image 1 of 24

May kabuuang 336 na indibidwal ang nabakunahan ng 1st dose, 2nd dose at booster shots kahaponb February 2, 2022 sa Bayanihan Isolation Facility.
Sa bilang na ito, umabot sa 105 katao ang nabakunahan ng 1st dose ng Janssen habang 111 naman ang nabakunahan ng 1st dose ng Pfizer vaccine mula sa pediatric population at 88 naman ang naturukan ng booster shot. Tinurukan na rin ng 2nd dose ng Sinovac at Pfizer ang ilang na-deferred na indibidwal.
Naging maayos ang daloy ng pagbabakuna sa nabanggit na petsa dahil sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials, Tayabas Vaccination Team, Auxilliary Support Groups at Civil Society Organization.
Muling hinihikayat ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang mamamayang Tayabasin na makiisa at sumuporta sa ginagawang bakunahan upang labanan ang banta ng pagkalat ng Covid-19.