272198675_259971396249399_8767359483035031973_n

Image 1 of 40

May kabuuang 929 na indibidwal mula sa cluster of Barangays na naka-schedule noong January 21, 2022 ang nabakunahan ng 1st dose at booster shots sa Bayanihan Isolation Facility.
Sa bilang na ito, umabot sa 705 katao ang nabakunahan ng 1st dose ng Janssen habang 213 naman ang nabakunahan ng booster shot ng Pfizer vaccine. Tinurukan na rin ng 2nd dose ng Sinovac at Pfizer ang ilang na- deferred na indibidwal.
Ang nabanggit na cluster ay binubuo ng Barangay Lita, Wakas, Tongko, Ibabang Nangka at Ilayang Nangka. Naging maayos ang daloy ng pagbabakuna sa nabanggit na petsa dahil sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials, Tayabas Vaccination Team, Auxilliary Support Groups at Civil Society Organization.
Muling hinihikayat ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang mamamayang Tayabasin na makiisa at sumuporta sa ginagawang bakunahan upang labanan ang banta ng pagkalat ng Covid-19.