273219715_268144605432078_5200144387517042356_n

Image 1 of 24

May kabuuang 447 na indibidwal ang nabakunahan ng 1st dose, 2nd dose at booster shots noong February 4, 2022 sa Barangay Ibabang Palale Elementary School.
Sa bilang na ito, umabot sa 278 katao ang nabakunahan ng 1st dose ng Janssen habang 104 naman ang nabakunahan ng 1st dose ng Moderna vaccine mula sa pediatric population at 62 naman ang naturukan ng booster shot. Tinurukan na rin ng 2nd dose ng Moderna ang ilang na-deferred na indibidwal.
Naging maayos ang daloy ng pagbabakuna sa nabanggit na petsa dahil sa pakikipagtulungan ng mga Barangay Officials, Tayabas Vaccination Team, Auxilliary Support Groups at Civil Society Organization.
Muling hinihikayat ni Mayor Ernida Agpi Reynoso ang mamamayang Tayabasin na makiisa at sumuporta sa ginagawang bakunahan upang labanan ang banta ng pagkalat ng Covid-19.