Pinarangalan si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang iba pang awardees sa National Nutrition Awarding Ceremony na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria noong Biyernes, Marso 7, 2025. Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang seremonya bilang pagkilala sa mga lungsod at munisipalidad na may natatanging programa sa nutrisyon.
Sa nasabing okasyon, tinanggap ng Lungsod ng Tayabas, sa pangunguna ni Mayor Lovely Reynoso, ang Certificate of Recognition at cash incentive para sa First Year CROWN Maintenance Award. Kasama rin niya si City Nutrition Action Officer (CNAO) Manel Zaporteza-Chong sa pagtanggap ng parangal.
Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na labanan ang malnutrisyon at pagbutihin ang nutrisyon ng mga Tayabasin. Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon at pagtutulungan ng CHO-Nutrition Office, mga stakeholders, supporters, benefactors, at siyempre, ni CNAO Marinel Zaporteza-Chong.