Kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 4A-Calabarzon ang Lungsod ng Tayabas dahil sa matagumpay na implementasyon ng kanilang mga programa para sa mga Tayabasing OFWs.
Tinanggap ni Senior Labor and Employment Officer Mary Lou D. Montoya ang Plaque of Appreciation sa awarding ceremony ngayong Martes, February 11, 2025, sa Holiday Inn & Suites-Batangas Limapark, Lipa-Malvar, Batangas.