CITIZEN’S CHARTER
This is your guide to availing of services of the city government of Tayabas.
PRE-NATAL CARE
ABOUT THE SERVICE:
Ito ay mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa isang buntis habang siya ay nagdadalang-tao, bago pa man siya manganak. Layunin nito na masubaybayan ang kalusugan ng ina at ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Kabilang dito ang regular na check-up, pagpapasuri ng dugo at ihi, ultrasound, pagbibigay ng bitamina tulad ng iron at folic acid, pagbabakuna, at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tamang nutrisyon, panganib sa pagbubuntis, at paghahanda sa ligtas na panganganak.
OFFICE DIVISION:
City Health Office
TYPE OF TRANSACTION:
G2C - Government to Customer
Classification:
Simple
WHO MAY AVAIL:
Lahat ng buntis na Tayabasin na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan at tamang pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis
CHECKLIST OF REQUIREMENTS:
| CHECKLIST OF REQUIREMENTS | WHERE TO SECURE |
| Maternal Health Record/ Home Based Mother Record (1- PHOTOCOPY) | Kliyente |
CLIENT STEPS:
| CLIENT STEPS | DEPARTMENT ACTIONS | FEES TO BE PAID | PROCESSING TIME | PERSON RESPONSIBLE |
| 1. Magsadya sa pinakamalapit na barangay health station. Sumailalim sa medical interview para sa pagtatala ng personal information at medical history na kailangan sa pre-natal form | 1.1 Magsagawa ng interview para sa pagtatala ng personal information at medical history ng buntis o pagkuha ng record ng nakaraang prenatal check up para sa may record nang buntis |
Wala | 15minuto | BHW BHS Midwife |
| 2. Magpakuha ng vital signs | 2.1 Kuhanan ng vital signs ang buntis | Wala | 10 minuto | BHW BHS Midwife |
| 3. Sumailalim sa pre-natal check up |
3.1 Magsagawa ng pre-natal check up:
|
Wala | 20 minuto | BHW BHS Midwife |
| 4. Makinig sa tagubilin ng BHS midwife hinggil sa tamang pangangalaga ng pagbubuntis at tumanggap ng vitamins o gamot o laboratory request ayon sa pangangailangan | 4.1Magbigay ng tamang impormasyon hinggil sa tamang pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis at sa kahalagahan ng kumpletong pre-natal check up magbigay ng bitamina para sa pagbubuntis at laboratory request ayon sa pangangailangan ng pasyente magbigay ng listahan ng mga dapat dalahin sa panganganak para sa nanay at sanggol at referral kung kinakailangan. |
Wala | 10 minuto | BHS Midwife |
| TOTAL: | Wala | 55 minuto | ||
| END OF TRANSACTION |