CITIZEN’S CHARTER

POST NATAL CARE

ABOUT THE SERVICE:

Ito ay mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa ina at sa kanyang sanggol pagkatapos manganak. Layunin nito na masigurong ligtas ang kanilang kalagayan at maiwasan ang anumang komplikasyon. Kabilang dito ang pagsusuri sa kalusugan ng ina at sanggol, pagbibigay ng payo sa tamang pagpapasuso, family planning, nutrisyon, at pagbabakuna ng sanggol


OFFICE DIVISION:

City Health Office

TYPE OF TRANSACTION:

G2C - Government to Customer

Classification:

Simple

WHO MAY AVAIL:

Lahat ng nanganak na Tayabasin na nangangailangan ng tamang pangangalaga pagkatapos ng panganganak


CHECKLIST OF REQUIREMENTS:

CHECKLIST OF REQUIREMENTS WHERE TO SECURE

Discharge Slip (1 - original)

Birthing Facilities

 

CLIENT STEPS:

CLIENT STEPS DEPARTMENT ACTIONS FEES TO BE PAID PROCESSING TIME PERSON RESPONSIBLE
1. Ihanda ang sarili para sa gagawing physical examination bago madischarge sa birthing home

1.1 Magsagawa ng physical examination upang tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang nanganak bago idischarge sa facility.

1.2 Magbigay ng payo at iskedyul ng pagbalik o follow up

Wala
10 minuto
BHS Midwife
2. Makinig at tumalima sa tagubilin ng midwife hinggil sa tamang pangagalaga sa sarili matapos ang panganganak at schedule ng pagbalik para sa post natal check up 

2.1 Magbigay ng tagubilin hinggil sa tamang pangagalaga sa sarili matapos ang panganganak at ibigay ang schedule ng pagbalik para sa post natal check up

Wala 10 minuto  BHS Midwife
3. Magtungo sa BHS pagkalipas ng pitong araw para sa nakatakdang follow up check up

3.1 Isagawa ang follow up check-up base sa schedule na itinakda at tiyakin na maayos ang recovery at kondisyon ng nanganak

 

3.2 Itala sa post partum form ang petsa at resulta ng follow up check up

 Wala 15 minuto  BHS Midwife 
4. Magtungo sa BHS pagkalipas ng anim na linggo para sa nakatakdang follow up check up

4.1 Isagawa ang follow up check up base sa schedule na itinakda at tiyakin na maayos ang kondisyon ng nanganak

Wala 15 minuto BHS Midwife
 

TOTAL:

Wala 50 minuto  
 

 

END OF TRANSACTION    

 

Scroll to Top