CITIZEN’S CHARTER

EXPANDED NEWBORN SCREENING

ABOUT THE SERVICE:

Ito ay isang medikal na pagsusuri na isinasagawa sa mga bagong silang na sanggol upang matukoy kung may taglay silang mga sakit na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan at pag-unlad, bago pa man lumabas ang mga sintomas. Layunin ng programang ito na maiwasan ang pagkasira ng utak, kapansanan, o pagkamatay sa pamamagitan ng maagap na paggamot.


OFFICE DIVISION:

City Health Office

TYPE OF TRANSACTION:

G2C - Government to Customer

Classification:

Simple

WHO MAY AVAIL:

Lahat ng bagong panganak na sanggol


CHECKLIST OF REQUIREMENTS:

CHECKLIST OF REQUIREMENTS WHERE TO SECURE
Certificate of Indigency para sa non Philhealth ( 1 original) at discharge slip para sa mga nanganak sa pampublikong paanakan (1 original)   Barangay Health Station

 

CLIENT STEPS:

CLIENT STEPS DEPARTMENT ACTIONS FEES TO BE PAID PROCESSING TIME PERSON RESPONSIBLE 
1. Ibigay ang mga kailangang impormasyon ng sanggol at ihanda ito para sa Newton Screening

1.1 Magsagawa ng interview at itala ang mga kinakailangang impormasyon ng sanggol sa Newborn Screening Filter Card

Ipaliwanag ang kahalagahan ng isasagawang proseso

Wala 10 minuto Midwife
2. Isailalim ang sanggol sa newborn screening

2.1 Magsagawa ng newborn screening sa pamamagitan ng pagkuha ng ilang patak ng dugo mula sa sakong ng sanggol sa NBS filter card

Free service para sa mga ipinanganak sa Tayabas birthing homes facilities

 

600.00 - para sa walk-in clients

5 minuto Midwife
3. Sundin ang mga susunod na tagubilin ng midwife

3.1 Bigyan ng abiso ang nanay ng sanggol kapag nakahanda na ang resulta ng newborn screening

Wala

10 minuto Midwife
4. Alamin ang resulta ng newborn screening

4.1 Ipaliwanag sa nanay ng sanggol ang resulta ng newborn screening

Wala

15 minuto Midwife
5. Tanggapin ang referral kung kinakailangan

5.1 Magbigay ng referral kung kinakailangan at ipaliwanag sa nanay ang pangangailangan ng karagdagang eksaminasyon

Wala

5 minuto Midwife
6. Kung kinakailangan, isailalim ang sanggol sa karagdagang eksaminasyon

6.1 I-coordinate at i-endorso sa referral facility ang sanggol na nangangailangan ng karagdagang eksaminasyon

Wala

5 minuto Midwife
 

TOTAL

600.00 para sa walk-in clients

50 minuto  
 

 

END OF TRANSACTION

   

 

Scroll to Top