CITIZEN’S CHARTER
This is your guide to availing of services of the city government of Tayabas.
SANITARY COMPLAINTS/INVESTIGATION
ABOUT THE SERVICE:
Ang Sanitary Complaints/Investigation ay ang proseso ng pagtanggap at pagsusuri ng mga reklamo o hinaing ng mga tao patungkol sa mga isyu ng kalinisan at sanitasyon sa kanilang komunidad o kapaligiran. Ang layunin nito ay tiyakin na ang mga establisimyento, negosyo, o pampublikong lugar ay sumusunod sa mga regulasyon ng kalinisan at kalusugan, at hindi nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao.
OFFICE DIVISION:
City Health Office
TYPE OF TRANSACTION:
G2C - Government to Customer
Classification:
Complex
WHO MAY AVAIL:
Mga indibidwal, grupo o samahan na nais magpahayon ng reklamo na may kinalaman sa paglabag sa batas ng pagpapanatili ng environmental health and sanitation
CHECKLIST OF REQUIREMENTS:
| CHECKLIST OF REQUIREMENTS | WHERE TO SECURE |
| Formal Complaint Letter (1 original) | Kliyente |
CLIENT STEPS:
| CLIENT STEPS | DEPARTMENT ACTIONS | FEES TO BE PAID | PROCESSING TIME | PERSON RESPONSIBLE |
| 1. Magsumite ng pormal na reklamo sa pamamagitan ng personal na pagsusumite dito o sa pamamagitan ng email at iba pang electronic means | 1.1 Tanggapin ang pormal na sulat-reklamo mula sa kliyente at itala ang petsa at oras ng pagtanggap dito | Wala | 1 minuto | Administrative Officer V CHO |
| 1.2 Kumuha ng Mission Order mula sa City Health Officer at magsagawa ng inspection o joint ocular inspection at investigation kasama ang kinatawan ng CENRO at nakakasakop na barangay | Wala | 3 araw matapos matanggap ang reklamo | Sanitation Inspectors CHO |
|
| 2. Hintayin ang resulta ng imbestigation ay rekomendasyon mula sa Inspection Team | 2.1 Gumawa ng inspection report ang magbigay ng kaukulang rekomendasyon hinggil sa mga napatunayan | Wala | 7 araw | Sanitation Inspectors CHO |
| 3. Tanggapin ang sipi ng inspection report | 3.1 Bigyang sipi ng inspection report ang nagrereklamo at lahat ng konsernado | Wala | 1 araw matapos gawin ang inspection report | Sanitation Inspectors CHO |
| 4. Dumalo sa gagawing patawag ng barangay para talakayin at pagkasunduan ang rekomendasyon ng inspection team para sa resolusyon ng kaso |
4.1 Talakayin ang reklamo sa sangguniang barangay kasama ang nagrereklamo at inirereklamo Saksihan at itala ang magiging kasunduan para sa resolusyon ng kaso |
Wala | 1 araw | Sanitation Inspector at iba pang kasamang ahensya ng LGU Sangguniang barangay |
| 5. Makibahagi sa mga susunod na gawain tungo sa resolusyon ng reklamo | 5.1 Ipatupad ang sanitary order at magsagawa ng monitoring ng pagtalima ng inirereklamo ayon sa mga napagkasunduan kung mapatunayang may violation ito | Wala | 1 araw hanggang sa araw na itinakda ayon sa napagkasunduan ng lahat ng konsernado | Sanitation Inspectors CHO |
| TOTAL: | Wala | 13 araw, 1 minuto | ||
| END OF TRANSACTION |
Sanitary Complaints/Investigation is covered under Code on Sanitation of the Philippine - P.D 856