CITIZEN’S CHARTER
This is your guide to availing of services of the city government of Tayabas.
APPLICATION FOR MARRIAGE LICENSE
ABOUT THE SERVICE:
Isinasaad ng Executive Order No. 209 o Family Code of the Philippines na ang kasal ay isang espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na pinasok alinsunod sa batas para sa pagtatatag ng conjugal at family life. Art. 2 - Walang bisa ang kasal, maliban kung naroroon ang mga mahahalagang pangangailangang ito: (1) Legal na kapasidad ng mga partidong nakikipag-kontrata na dapat ay lalaki at babae; at (2) Malayang ibinibigay ang pahintulot sa presensya ng isang solemnizing officer; Art. 3 - Ang mga pormal na kinakailangan ng kasal ay: (1) Awtoridad ng isang solemnizing officer; at ang (2) Isang balidong lisensya sa pag-aasawa maliban sa mga kaso na ibinigay sa Kabanata 2 ng Titulo na ito.
OFFICE DIVISION:
City Civil Registry Office
TYPE OF TRANSACTION:
G2C - Government to Customer
Classification:
Complex
WHO MAY AVAIL:
All
CHECKLIST OF REQUIREMENTS:
| CHECKLIST OF REQUIREMENTS | WHERE TO SECURE |
| - Certified Copy or PSA Copy ng Birth Certificates ng mga aplikante (ang mga ito ay kailangang current year issue) (1 original o 1 certified copy) |
Local Civil Registry Office kung saan ipinanganak ang aplikante / Philippine Statistics Authority (PSA) / Local Civil Registry Office |
| - CENOMAR (Certification of No Record of Marriage) (ito ay may isang taong validity mula sa petsa na ito ay na-issue) (2 1 original copy) (1 original) |
Philippine Statistics Authority (PSA) |
| - Parental Consent kung ang edad ng aplikante ay nasa pagitan ng 18-21 taong gulang (3 original copy) | Local Civil Registry Office |
| - Parental Advice kung ang edad ng aplikante ay nasa pagitan ng 21-25 taong gulang (3 original copy) | Local Civil Registry Office |
| - Barangay Certification of Residency (1 original copy) (isa sa mga aplikante ay kailangang residente ng Tayabas) | Barangay kung saan naninirahan |
| - Valid ID at Sedula ng Aplikante (1 original copy) | Kliyente |
CLIENT STEPS:
| CLIENT STEPS | DEPARTMENT ACTIONS | FEES TO BE PAID | PROCESSING TIME | PERSON RESPONSIBLE |
| 1. Tutungo ang kliyente sa Clientele Assistance Desk dala ang mga kaukulang requirements sa pag-aapply ng Lisensya ng Kasal |
1.1 Assessment ng mga requirements 1.2 Ang kliyente ay bibigyan ng color coded number card kalakip ang Clientele feedback form. |
wala | 5 minuto | John Carlo P. Cablaida Registration Officer I CCRO |
| 2. Isusulat ng kliyente ang kanyang mga impormasyon sa left lower box ng Clientele Assistance Form (Pangalan, Address at Contact Number) at tutungo ang kliyente sa window para sa aplikasyon ng lisensya ng kasal (Marriage License Application) |
2.1 Tatawagin ang numero ng kliyente at tatanggapin lahat ng mga kinakailangan dokumento para sa Aplikasyon ng lisensya ng kasal. 2.2 Ibibigay ang mga kailangan at hinihinging impormasyon sa interview. 2.3 Suriing mabuti kung tama at kumpleto ang mga dokumento. 2.4 Bubuksan ang monitor na nakatalaga sa harap ng kliyente habang tinatype ang detalye ng kanilang aplikasyon |
wala | 5 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO |
| 3. Babasahing mabuti ng kliyente ang mga dokumento upang ma check ang lahat ng mga datos at ikukumpirma niya ito sa empleyado kung ito ay tama. Kung may mali sa datos na naencode, sasabihin niya ito sa empleyado upang ma-verify at baguhin. Ibabalik ng kliyente ang initial print out sa empleyado. |
3.1 Bibigyan ng kaukulang oras ang applikante para macheck ang mga datos na na-encode. |
wala | 6 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO |
| 4. Maghihintay ang kliyente habang ang mga karagdagang dokumento ay inihahanda. |
4.1 Ihahanda ang ibang kaukulang dokumento | wala | 7 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO |
| 5. Lalagda ang mga aplikante sa Application for Marriage License at ang mga magulang o guardian ay lalagda naman sa Advice Upon Intended Marriage or Parental Consent of Marriage kung kailangan habang kinukunan ng litrato para sa dokumentasyon. |
5.1 Ia-assist ang mga aplikante at magulang nito sa pagpirma ng kanilang dokumento | wala | 2 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO |
| Tutungo sa Population Section dala ang endorsement na maari na dumalo sa PMOC |
₱60.00 (Seminar Fee) | 20 minuto | Jayson R. Zarsaga Grace Anne A. Moya Admin. Asst. VI CCRO |
|
| 6. Matapos makumpleto ang aplikasyon, lalagda ang mga aplikante sa “date filed column” ng logbook |
6.1 Papalagdain sa applikasyon ang mga applikante | wala | 2 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO |
| 7. Tutungo ang Kliyente sa cashier window para magbayad ng marriage Registration | 7.1 Magbibigay ng resibo para sa kaukulang bayaran |
₱300.00 (Application Fee) | 2 minuto | Darryl A. Baldovino Revenue Collection Clerk III CCRO |
| GAP (sampung araw na posting period) |
||||
| 8. Babalik ang kliyente pagkatapos ng 10 araw na posting period dala ang kanilang claim stub. |
8.1 Kukunin ang claim stub at papeperrmahin ang kliyente sa logbook (released column) at ang marriage license ay maaari nang makuha. |
₱2.00 | 3 minuto | Arabel A. Odasco Registration Officer II CCRO or Darryl A. Baldovino Revenue Collection Clerk III CCRO |
| TOTAL: | ₱362.00 |
52 minuto | ||
| END OF TRANSACTION |