THE CITY MAYOR
Tayabas City’s Local Chief Executive
MAYOR ANTHONY
“KUYA PIWA” A. LIM
CITY MAYOR
Pagbati!
Malugod ko po kayong inaanyayahan na bisitahin at tingnan ang ating bago at mas komprehensibang Tayabas City Website.
Bilang inyong Punong Lungsod, isa sa mga adhikain ko ay ang “digitalization” ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Tayabas na ang layunin ay mas pabilisin at mas pagaanin ang mga proseso na tiyak na pakikinabangan ng mga Tayabasin. Isa lamang ang website na ito sa mga makabuluhang digitalization projects ng inyong lingkod. Nawa ang website na ito ay magsilbing tulong sa lahat mukhang malaman ang mga importanteng impormasyon patungkol sa pamahalaang lokal, mga serbisyo at mga programa para sa bayan.
Mahaba pa ang landas na ating tatahakin. Marami pang hamon at pagsubok ang kakaharapin.
“TUNAY NA MAUNLAD, TUNAY NA MASAYA AT TUNAY NA MAPAYAPANG LUNGSOD NG TAYABAS”
