29 June 2026

Soft Opening ng Tayabas OPD Medical Clinic, Dinaluhan nina Mayor Piwa Lim at mga Konsehal

Soft Opening ng Tayabas OPD Medical Clinic, Dinaluhan nina Mayor Piwa Lim at mga Konsehal
NAGLAAN NG ORAS PARA OBSERBAHAN ANG DALOY NG OPERASYON NG TAYABAS OPD MEDICAL CLINIC SA BRGY. MATEUNA sina Mayor Piwa Lim, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, at Konsehal Jerry Talaga ngayong Lunes, Hunyo 29, 2026.

Personal nilang nasaksihan ang soft opening at unang araw ng operasyon ng bagong pasilidad bilang paghahanda sa mas maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Tayabasin.

Samantala, nakatakdang isagawa ang Inaugural Blessing and Formal Opening Ceremony ng Tayabas OPD Medical Clinic sa ilalim na pamamahala ng Tayabas City Health Office sa Martes, June 30, 2026.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Soft Opening ng Tayabas OPD Medical Clinic, Dinaluhan nina Mayor Piwa Lim at mga Konsehal
Soft Opening ng Tayabas OPD Medical Clinic, Dinaluhan nina Mayor Piwa Lim at mga Konsehal
Soft Opening ng Tayabas OPD Medical Clinic, Dinaluhan nina Mayor Piwa Lim at mga Konsehal
Shared on
Scroll to Top