30 June 2026

Groundbreaking ng Multi-Purpose Covered Court ng PNP RTC-4A, Pinangunahan nina PMGEN Roy B. Parena at Mayor Piwa Lim

Groundbreaking ng Multi-Purpose Covered Court ng PNP RTC-4A, Pinangunahan nina PMGEN Roy B. Parena at Mayor Piwa Lim
PINANGUNAHAN NI PNP TRAINING INSTITUTE DIRECTOR PMGEN ROY B PARENA AT CITY MAYOR PIWA LIM ANG GROUNDBREAKING CEREMONY PARA SA ITATAYONG MULTI-PURPOSE COVERED COURT NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE REGIONAL TRAINING CENTER-4A SA BARANGAY ANOS, TAYABAS CITY ngayong Martes, June 30, 2026.

Ang itatayong pasilidad ay popondohan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng Usufruct Agreement, at itatayo sa lupang pag-aari ng pambansang kapulisan bilang pasilidad para sa pagsasanay ng mga police trainees, mga programang may kaugnayan sa training, at iba pang aktibidad ng RTC 4A.

Dumalo sa groundbreaking ceremony sina City Administrator Voltaire Dela Cruz, Konsehal Carmelo Cabarrubias, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, at SK Federation President Ren Miguel Obdianela.

Nagpahayag ng pasasalamat si PMGEN Roy B Parena sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa patuloy nitong suporta sa pagpapaunlad ng mga pasilidad na makatutulong sa pagpapalakas ng kakayahan at kahandaan ng kapulisan.

Ang proyektong ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas at ng Philippine National Police sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang serbisyo, pagsasanay, at seguridad para sa kapakinabangan ng publiko.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Groundbreaking ng Multi-Purpose Covered Court ng PNP RTC-4A, Pinangunahan nina PMGEN Roy B. Parena at Mayor Piwa Lim
Groundbreaking ng Multi-Purpose Covered Court ng PNP RTC-4A, Pinangunahan nina PMGEN Roy B. Parena at Mayor Piwa Lim
Groundbreaking ng Multi-Purpose Covered Court ng PNP RTC-4A, Pinangunahan nina PMGEN Roy B. Parena at Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top