1 July 2026

Walong Proyekto ng LGU Tayabas, Ininspeksyon ng Local Project Monitoring Committee

Walong Proyekto ng LGU Tayabas, Ininspeksyon ng Local Project Monitoring Committee
WALONG PROYEKTO NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG ININSPEKSYON NG LOCAL PROJECT MONITORING COMMITTEE ngayong Miyerkules, July 1, 2026.

Kabilang sa mga proyektong fully-constructed at construction-in-progress na binisita ng komitiba ang retaining wall ng New Tayabas City Hall; solar streetlights sa Barangay Baguio (Jackilyn Village), Ibabang Nangka, Silangang Katigan, at Gibanga; elevated water tank sa Barangay Ibabang Alsam; barangay health center sa Barangay Ibabang Palale; at multi-purpose building ng Barangay Gibanga.

May kabuuang halagang humigit-kumulang 15.5M ang nasabing mga proyekto na pinondohan buhat sa budget ng lokal na pamahalaan.

Tumalima ang mga kasapi ng LPMC sa direktiba ni Mayor Piwa Lim na masusing subaybayan ang pagpapatupad ng mga pagawaing bayan upang masiguro ang kalidad ng mga ito ayun sa umiiral na panuntunan.

Kabilang sa mga nag-inspeksyon sina Konsehal Jerry Caagbay, GSO Cecille Potestades, Engr. Christian Tamaño, CPDC Gino Zaporteza, Arch. Eladio Manzano, CICRO Willy Tomines, Camille Francia, Edgar Montoya, Jerson Palambiano, Ritchelle Talavera, Karen Reyes, Christian Tomines, at Erick Cuarto na siyang nagdokumento ng ginawang inspeksyon.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Walong Proyekto ng LGU Tayabas, Ininspeksyon ng Local Project Monitoring Committee
Walong Proyekto ng LGU Tayabas, Ininspeksyon ng Local Project Monitoring Committee
Walong Proyekto ng LGU Tayabas, Ininspeksyon ng Local Project Monitoring Committee
Shared on
Scroll to Top