1 July 2026

Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa Tayabas Referees and Officials Association

Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa Tayabas Referees and Officials Association
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM ANG SAMAHAN NG TAYABAS REFEREES AND OFFICIAL ASSOCIATION (TROFA) SA PAMUMUNO NI PANGULONG WANGHO EPIFANIO ngayong Miyerkules, July 1, 2026.

Layunin ng pagbisita na palakasin ang ugnayan ng samahan at ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Tinalakay din sa pagbisita ang mga programang makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng sports officiating at mga gawaing pampalakasan sa lungsod.

Nagpasalamat si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ng TROFA at kinilala ang mahalagang papel ng mga referees at sports officials sa pagtataguyod ng disiplina, patas na kompetisyon, at pagkakaisa sa iba't ibang palaro at aktibidad sa komunidad.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa Tayabas Referees and Officials Association
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa Tayabas Referees and Officials Association
Mayor Piwa Lim, Nakipagpulong sa Tayabas Referees and Officials Association
Shared on
Scroll to Top