1 July 2026

Vice Executive Judge ng RTC-Lucena, Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim

Vice Executive Judge ng RTC-Lucena, Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim
BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM SI VICE EXECUTIVE JUDGE PORTIA A. MARTINEZ-PANERGO NG REGIONAL TRIAL COURT-LUCENA CITY ngayong Miyerkules, July 1, 2026, upang magkortesiya at iparating sa alkalde ang mga programang maaaring maisulong sa pamamagitan ng pagtutulungan ng hudikatura at ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga napag-usapan ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon sa pagitan ng dalawang institusyon upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pampubliko at maisulong ang mga programang kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan ng lungsod ng Tayabas

Kasamang humarap sa alkade sina Regional Trial Court-Lucena City Clerk of Court Atty. Edgardo Castillo, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz at City Budget Officer Esperanza Cabriga.

Nagpasalamat si Mayor Piwa Lim sa pagbisita ni Judge Martinez-Panergo at nagpahayag na handa ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na makipagtulungan sa mga ahensya at institusyong nagsusulong ng mabuting pamamahala, katarungan, at kapakanan ng komunidad.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Vice Executive Judge ng RTC-Lucena, Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim
Vice Executive Judge ng RTC-Lucena, Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim
Vice Executive Judge ng RTC-Lucena, Nagkortesiya kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top