1 July 2026

Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng LCAT-VAWC, LCPC at TCCDA, Matagumpay na Idinaos

Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng LCAT-VAWC, LCPC at TCCDA, Matagumpay na Idinaos
Matagumpay na idinaos ang Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ngayong Taon ng Tayabas Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), kasabay ng pagpupulong ng Tayabas Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Tayabas City Council on Disability Affairs (TCCDA).

Dinaluhan ang pulong ng mga miyembro ng kani-kanilang konseho upang talakayin ang mahahalagang usapin, programa, at mga inisyatiba na naglalayong higit pang mapalakas ang pangangalaga sa kababaihan, mga bata, at mga persons with disabilities (PWDs) sa Lungsod ng Tayabas.

Isinagawa ang nasabing pulong noong Hunyo 30, 2026, sa Training Room ng New Tayabas City Hall.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng LCAT-VAWC, LCPC at TCCDA, Matagumpay na Idinaos
Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng LCAT-VAWC, LCPC at TCCDA, Matagumpay na Idinaos
Ikalawang Kwarter na Pagpupulong ng LCAT-VAWC, LCPC at TCCDA, Matagumpay na Idinaos
Shared on
Scroll to Top