INILUNSAD NGAYONG MIYERKULES, UNANG ARAW NG HULYO, 2026, ANG NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH sa Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat sa Basilika Menor ni San Miguel Arkanghel at Motorcade sa nalolooban ng poblacion.
May temang “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas” ang pagdiriwang ng NDRM ngayong taon.
Bukod sa misa at motorcade, nagkaroon din ng opening program sa Silungang Bayan kung saan naging tampok ang Incident Simulation at nagpamalas ng husay ang Isabang Barangay DRRMO sa pagresponde sa oras ng sakuna.
Dumalo sa aktibidad si City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, na siya ring kumatawan kay Mayor Piwa Lim, at siyang nagpahayag ng mensahe ng alkalde kaugnay ng pagdiriwang. Nagpasalamat din si City Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Rosario P. Bandelaria sa bumubuo ng DRRM Team, gayundin kay Mayor Piwa Lim at sa buong pamahalaang lokal sa patuloy na suporta sa mga gawain kaugnay ng ika-38 National Disaster Resilience Month 2026.
Kabilang sa mga nakiisa sa paglulunsad ng NDRM 2026 ang mga kasapi ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Council, mga civil society organization, Liga ng mga Barangay, volunteers, Rolando “Bagets” Nadres, Tayabas Bureau of Fire Protection Station Chief FSINSP Morris Callejo, Tayabas Component City Police Station Officer-in-Charge PLTCOL Bonna Obmerga, City Local Government Operations Officer Fe Roales, TCHI CEO Noel Ayala, 404 AFP Reserve Battalion Camp Nakar Lucena, Sgt Rolando Cabriga, Barangay DRRMO, mga punong barangay, miyembro ng sanggunian, mga kapulisan, bumbero traffic enforcers, at emergency responders.