6 July 2026

Drug-Free Workplace Program Orientation, Isinagawa para sa mga Kawani ng LGU Tayabas

Drug-Free Workplace Program Orientation, Isinagawa para sa mga Kawani ng LGU Tayabas
DUMALO ANG LAHAT NG KAWANI NG LGU-TAYABAS SA ORIENTATION ON DRUG-FREE WORKPLACE PROGRAM (DFWP) NG PDEA ngayong Lunes, July 6, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Binuksan ni Mayor Piwa Lim ang activity sa isang mensaheng nagpapahayag ng suporta sa kahalagahan ng pagiging drug-free ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Malinaw at direkta ang mga impormasyong ibinahagi ni PDEA-Quezon Provincial Office IO-I Rona A. Andres kaugnay sa Drug-Free Workplace Program ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga opisyal at empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.

Inaasahang nadagdagan ang kamalayan ng mga kawani hinggil sa pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Program at higit pang maisusulong ang isang ligtas, maayos, at responsableng kapaligiran sa lugar ng trabaho.

Bahagi rin ito ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang isang drug-free na hanay ng mga empleyado, maging sila man ay regular, contractual, o job order personnel.

Dumalo rin sa orientation sina Konsehal Ana Obispo, Konsehal Elsa Rubio, at PKB President Conrado Aragon.

Buo ang suporta ni Mayor Piwa Lim sa naturang programa bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang drug-free na Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas at ng mas ligtas na komunidad para sa lahat.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Drug-Free Workplace Program Orientation, Isinagawa para sa mga Kawani ng LGU Tayabas
Drug-Free Workplace Program Orientation, Isinagawa para sa mga Kawani ng LGU Tayabas
Drug-Free Workplace Program Orientation, Isinagawa para sa mga Kawani ng LGU Tayabas
Shared on
Scroll to Top