6 July 2026

Tayabas OPD Clinic, Ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim Isang Linggo Matapos ang Pagbubukas

Tayabas OPD Clinic, Ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim Isang Linggo Matapos ang Pagbubukas
ISANG LINGGO MATAPOS PORMAL NA SIMULAN ANG OPERASYON NG TAYABAS OPD CLINIC sa Barangay Matuena, muling bumisita sa pasilidad si Mayor Piwa Lim ngayong umaga ng Lunes, July 6, 2026, upang obserbahan ang aktwal na daloy ng serbisyo sa klinika.

Nais masiguro ng alkalde na maayos na napagsisilbihan ang mga pasyenteng nagpapakonsulta doon at naipagkakaloob ang mga pangangailangan ng mga may sakit ayun sa kakayahan ng Tayabas OPD Clinic.

Nais ding matukoy ni Mayor Piwa Lim ang mga dapat pang ayusing sistema at patakaran upang maiwasan ang mga pangyayareng nagbibigay ng hindi magandang karanasan sa mga nagpapakonsulta doon.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Tayabas OPD Clinic, Ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim Isang Linggo Matapos ang Pagbubukas
Tayabas OPD Clinic, Ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim Isang Linggo Matapos ang Pagbubukas
Tayabas OPD Clinic, Ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim Isang Linggo Matapos ang Pagbubukas
Shared on
Scroll to Top