6 July 2026

57 Samahan ng mga Magsasaka sa Tayabas, Nakatanggap ng Abono at Makinaryang Pangsakahan

57 Samahan ng mga Magsasaka sa Tayabas, Nakatanggap ng Abono at Makinaryang Pangsakahan
SAKO-SAKONG ABONO, RICE THRESHER, HAND TRACTOR, TILLING MACHINE, KNAPSACK SPRAYER AT BRUSH CUTTER ang natanggap ng mga samahan ng magsasaka sa Lungsod ng Tayabas ngayong Lunes, July 6, 2026.

Pinangunahan ni Mayor Piwa Lim ang sabayang pamamahagi ng abono at mga makinaryang pangsakahan sa limampu’t pitong (57) samahan ng mga magsasaka sa Lungsod ng Tayabas. Kabilang sa mga ipinamahagi ang saandaan apatnapu’t tatlong (143) knapsack sprayer, tatlumpung (30) brush cutter, labinsiyam (19) na hand tractor, sampung (10) rice thresher, sampung (10) tilling machine at walundaan labinsiyam (819) na sako ng urea fertilizer sa isinagawang Distribution of Agricultural Intervention (Farm Machineries and Fertilizers) sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Dumalo at sinaksihan ni Konsehal Dino Romero, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Luz Cuadra, at Konsehal Rizza Llaneta ang pamamahagi ng mga agricultural intervention sa mga lehitimong samahan ng magsasaka.

Layunin ng programa na higit pang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa Tayabas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan at suporta upang mapataas ang produksyon at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa mensahe ni Mayor Piwa Lim binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay importansya, at pagtutuon ng pansin ng lokal na pamahalaan, kasabay ng paglalaan ng kaukulang pondo para sa mga programang nakatutok sa sektor ng agrikultura upang magkaroon ng maayos at masaganang ani na makakapagpaunlad ng agrikultura sa Lungsod ng Tayabas.

Matagumpay na naisakatuparan ang naturang programa sa pamamagitan ng City Agriculture Office sa ilalim ng pamumuno ni City Agriculturist Rommel Abuyan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
57 Samahan ng mga Magsasaka sa Tayabas, Nakatanggap ng Abono at Makinaryang Pangsakahan
57 Samahan ng mga Magsasaka sa Tayabas, Nakatanggap ng Abono at Makinaryang Pangsakahan
57 Samahan ng mga Magsasaka sa Tayabas, Nakatanggap ng Abono at Makinaryang Pangsakahan
Shared on
Scroll to Top