7 July 2026

Mayor Piwa Lim, Tinanggap ang Courtesy Call ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army

Mayor Piwa Lim, Tinanggap ang Courtesy Call ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army
BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM SINA 1LT ANDRELIE JOHN DANGULAN AT CPL JAYVEE CRUZ NG 15TH SPECIAL FORCES COMPANY NG PHILIPPINE ARMY ngayong Martes, July 7, 2026, upang mag-courtesy call sa alkalde.

Sa kanilang pagbisita ay ipinabatid ng mga opisyal ang nakatakdang isagawa na Resiliency Operation sa Lungsod ng Tayabas ng kanilang elite military unit na naglalayung palakasin ang kahandaan at katatagan ng komunidad sa harap ng iba't ibang banta at sakuna. Isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at iba pang mga katuwang na ahensya.

Nagpasalamat si Mayor Lim sa pagbisita ng mga opisyal ng 15th Special Forces Company at tiniyak ang buong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan, seguridad, at kahandaan ng mga mamamayan ng Tayabas.

Ang 15th Special Forces "Conqueror" Company ay isang elite na yunit ng militar na nasa ilalim ng 4th Special Forces Battalion, Special Operations Command (SOCOM) ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Tinanggap ang Courtesy Call ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army
Mayor Piwa Lim, Tinanggap ang Courtesy Call ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army
Mayor Piwa Lim, Tinanggap ang Courtesy Call ng 15th Special Forces Company ng Philippine Army
Shared on
Scroll to Top