13 July 2026

Bagong Fire Marshal ng BFP-Tayabas City, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

Bagong Fire Marshal ng BFP-Tayabas City, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM SI FCINSP FERNANDO C CASTILLO sa unang araw ng kanyang assignment bilang bagong Fire Marshall ng Bureau of Fire Protecion-Tayabas City Fire Station ngayong Lunes, July 13, 2026.

Si FCINSP Fernando C. Castillo ang papalit kay FSINSP Morris Callejo bilang Fire Marshall ng BFP-Tayabas Fire Station. Bago ito, ay nagsilbi si FCINSP Castillo sa BFP-Calabarzon Regional Office. Samantalang lilipat naman bilang Fire Marshall ng BFP-Tiaong Quezon si FSINSP Callejo.

Sa pagbisita ng dalawang fire marshalls kay Mayor Piwa Lim, nagkaroon ng pagkakataon si City Fire Marshal FCINSP Fenando C Castillo na magpakilala at talakayin ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng Bureau of Fire Protection sa lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga programa sa fire prevention, disaster preparedness, at pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang emergencies.

Malugod namang tinanggap ni Mayor Lim ang bagong City Fire Marshal at ipinahayag ang kahandaan ng Pamahalaang Lungsod na ipagpatuloy ang matibay na ugnayan at koordinasyon sa BFP upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat Tayabasin. Pinasalamatan din ng alkalde si FSINSP Morris Callejo sa kanyang naging serbisyo at kontribusyon sa pagpapaigting ng mga programang pangkaligtasan sa lungsod.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong Fire Marshal ng BFP-Tayabas City, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Bagong Fire Marshal ng BFP-Tayabas City, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Bagong Fire Marshal ng BFP-Tayabas City, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top