13 July 2026

Ivee De Los Santos, Kakatawanin ang Tayabas City sa Miss Mandirigma Philippines 2026

Ivee De Los Santos, Kakatawanin ang Tayabas City sa Miss Mandirigma Philippines 2026
NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR PIWA LIM SI IVEE DALMACION DE LOS SANTOS ngayong Lunes, July 13, 2026, upang ipaalam sa alkalde ang kanyang pagsali sa Miss Mandirigma Philippines 2026 bilang kinatawan ng Lungsod ng Tayabas, at upang humingi na rin ng suporta sa nalalapit na pambansang kompetisyon.

Ibinahagi niya ang kanyang paghahanda para sa Miss Mandirigma Philippines 2026: The National Transpageant na gaganapin sa General Santos City sa Setyembre 4, 2026.

Kasama ni Ivee De Los Santos sa pagbisita kay Mayor Piwa Lim sina Supervising Tourism Operations Officer Koko Pataunia, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Jerry Caagabay, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Carmelo Cabarrubias at SK Federation President Ren Miguel Obdianela.

Ipinahayag naman ni Mayor Piwa Lim ang kanyang buong suporta at pagbati kay Ms. Delos Santos. Hinikayat din niya itong ipagmalaki ang kultura, kagandahan, at natatanging pagkakakilanlan ng Tayabas sa naturang kompetisyon.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Ivee De Los Santos, Kakatawanin ang Tayabas City sa Miss Mandirigma Philippines 2026
Ivee De Los Santos, Kakatawanin ang Tayabas City sa Miss Mandirigma Philippines 2026
Ivee De Los Santos, Kakatawanin ang Tayabas City sa Miss Mandirigma Philippines 2026
Shared on
Scroll to Top