13 July 2026

LGU Tayabas, Nagdagdag ng Dalawang Bagong Garbage Dump Trucks Para sa Mas Episyenteng Pangongolekta ng Basura

LGU Tayabas, Nagdagdag ng Dalawang Bagong Garbage Dump Trucks Para sa Mas Episyenteng Pangongolekta ng Basura
SA KAGUSTUHAN NI MAYOR PIWA LIM NA MAPADALI ANG PANGONGOLEKTA NG BASURA, BUMILI ANG PAMAHALAANG LOKAL NG KARAGDAGANG DALAWANG BRAND NEW GARBAGE DUMP TRUCKS na magpapabilis at mas magdudulot ng episyenteng koleksyon ng basura sa Lungsod ng Tayabas

Dumating ngayong Lunes, July 13, 2026, ang dalawang bagong garbage dump trucks na binili ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas. Agad itong ininspeksyon ni Mayor Piwa Lim kasama sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Jerry Caagabay, Konsehal Dino Romero, City Administrator Attorney Voltaire Dela Cruz, City Legal Officer Attorney Christopher Juniar, CENRO Melvin Rada, at ESWM Unit Head Jerdelyn Tabi.

Ang dalawang bagong trak ay magpapalakas sa solid waste management initiatives at magpapabuti sa serbisyo ng garbage collection sa buong Lungsod ng Tayabas. Matutugunan din nito ang layunin ni Mayor Piwa Lim na mapanatiling maayos at malinis ang kapaligiran ng syudad.


#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
LGU Tayabas, Nagdagdag ng Dalawang Bagong Garbage Dump Trucks Para sa Mas Episyenteng Pangongolekta ng Basura
LGU Tayabas, Nagdagdag ng Dalawang Bagong Garbage Dump Trucks Para sa Mas Episyenteng Pangongolekta ng Basura
LGU Tayabas, Nagdagdag ng Dalawang Bagong Garbage Dump Trucks Para sa Mas Episyenteng Pangongolekta ng Basura
Shared on
Scroll to Top