23 July 2026

Mayor Piwa Lim at Mrs. Minda Lim, Tatayong Susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng FOSMA

Mayor Piwa Lim at Mrs. Minda Lim, Tatayong Susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng FOSMA
BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM SINA FOSMA HERMANO MAYOR ENGINEER VIRGILIO VILLAESCUSA AT HERMANA MAYOR ENGINEER NERISSA VILLAESCUSA, kasama ang ilang miyembro ng Friends of St. Michael the Archangel (FOSMA), ngayong Huwebes, Hulyo 23, 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita na pormal na hikayatin sina Mayor Piwa Lim at ang kaniyang maybahay na si Mrs. Minda Lim, na tanggapin ang tungkulin bilang susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng samahan.

Buong pusong tinanggap ni Mayor Lim ang paanyaya, kalakip ang kaniyang suporta sa mga gawaing panrelihiyon at pangkomunidad na isinusulong ng Friends of St. Michael the Archangel. Inaasahan namang magiging katuwang ng alkade at kaniyang maybahay ang samahan sa patuloy na pagpapalaganap ng debosyon kay San Miguel Arkanghel at sa matagumpay na pagsasagawa ng mga nakatakdang gawain at pagdiriwang nito.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim at Mrs. Minda Lim, Tatayong Susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng FOSMA
Mayor Piwa Lim at Mrs. Minda Lim, Tatayong Susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng FOSMA
Mayor Piwa Lim at Mrs. Minda Lim, Tatayong Susunod na Hermano Mayor at Hermana Mayor ng FOSMA
Shared on
Scroll to Top