23 July 2026

Ground Breaking ng CJOY and Cargill Philippines, Inc. Facility, Isinagawa sa Barangay Valencia

Ground Breaking ng CJOY and Cargill Philippines, Inc. Facility, Isinagawa sa Barangay Valencia
UUMPISAHAN NA ANG PAGTATAYO NG PASILIDAD NG CJOY AND CARGILL PHILIPPINES, INC. SA BARANGAY VALENCIA, TAYABAS CITY matapos isagawa ngayong Huwebes, July 23, 2026, ang ground breaking ceremony para sa nasabing pasilidad sa Sitio Bakliwan.

Sa pagdalo ni Mayor Piwa Lim sa okasyon, pinasalamatan niya ang pamunuan ng CJoy and Cargill Philippines, Inc. sa pagpili sa Tayabas City bilang lokasyon ng kanilang bagong pasilidad. Malaking tulong aniya, ang proyekto para lalong mapalakas ang lokal na ekonomiya at makalikha ng trabaho para sa mga Tayabasin.

Bago ang ground breaking, nagkaroon muna ng Banal na Misa na pinangunahan ni Father Jufer Gutierrez upang basbasan ang proyekto at hilingin ang tagumpay nito.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing okasyon ang owners na sina Mr. and Mrs. Romly and Myra Mendiola, Cargill Philippines Inc. CJoy Managing Director Mija Darlene Cachapero, Director for Live Production Chanai Nootip, at iba pang mga kawani ng CJoy.

Nakiisa rin sa programa sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Dino Romero, Konsehal Carmelo Cabarrubias, PKB President Conrado Aragon, Valencia Barangay Chairperson Laura Cabriga at Sangguniang Barangay.

Ang pagtatayo ng pasilidad ng CJoy and Cargill Philippines Inc. sa Sitio Bakliwan, Barangay Valencia ay isang patunay ng patuloy na pagtitiwala sa Lungsod ng Tayabas ng mga mamumuhunan bilang akmang lokasyon para sa kanilang negosyo.

Ang Cargill Joy Poultry Meats Production, Inc. (also known as C-JOY), isang joint venture sa pagitan ng Cargill Philippines at Jollibee Foods Corporation (JFC) ay ang pinakamalaking poultry processing plant sa bansa na direktang nagsusupply ng dressed and marinated chicken sa Jollibee Group brands.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Ground Breaking ng CJOY and Cargill Philippines, Inc. Facility, Isinagawa sa Barangay Valencia
Ground Breaking ng CJOY and Cargill Philippines, Inc. Facility, Isinagawa sa Barangay Valencia
Ground Breaking ng CJOY and Cargill Philippines, Inc. Facility, Isinagawa sa Barangay Valencia
Shared on
Scroll to Top