28 July 2026

Tinupad ni Mayor Piwa Lim ang Pangako: Bagong Wheelchair, Ipinagkaloob kay John Lesther Razalan

Tinupad ni Mayor Piwa Lim ang Pangako: Bagong Wheelchair, Ipinagkaloob kay John Lesther Razalan
TINUPAD NI MAYOR PIWA LIM ANG KANYANG PANGAKONG BAGO AT MATIBAY NA WHEELCHAIR PARA KAY JOHN LESTHER O. RAZALAN NG BARANGAY ILAYANG BUKAL, matapos kunin ng kanyang kamag-anak na si Kapitan Jhun-Jhun Razalan sa tanggapan ng punong lungsod ang nasabing assistive device para ihatid sa kanya ngayong Martes, July 28, 2026.

Ang nasabing wheelchair ay buhat sa personal na pondo ni Mayor Piwa Lim bilang sariling adbokasiya na patuloy na matugunan ang pangangailangan ng mga indibidwal na may kapansanan at may limitasyon sa pagkilos. Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga wheelchair, inaasahan na mas mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na gawain at mapapabuti ang kanilang kalalagayan sa buhay.

Kasamang humarap ng alkade sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Luz Cuadra, PKB President Conrado Aragon, SK Federation President Ren Miguel Obdianela at CSWDO Irma Ilocario kay Kapitan Razalan sa pagtungo nito sa tanggapan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Tinupad ni Mayor Piwa Lim ang Pangako: Bagong Wheelchair, Ipinagkaloob kay John Lesther Razalan
Shared on
Scroll to Top