28 July 2026

Max's Restaurant-Tayabas, Nag-Relaunch; 10% Discount Para sa mga Kawani ng LGU-Tayabas, Inilunsad

Max's Restaurant-Tayabas, Nag-Relaunch; 10% Discount Para sa mga Kawani ng LGU-Tayabas, Inilunsad
NAGDAOS NG RELAUNCHING EVENT ANG MAX'S RESTAURANT-TAYABAS sa Barangay Isabang ngayong Martes, July 28, 2026. Kasabay nito inilunsad din ng sikat na restaurant ang pagbibigay ng 10% discount sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas.

Naging panauhin sa okasyon si Mayor Piwa Lim kung saan pormal siyang lumagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Max’s Restaurant na kinatawan ni Mr. Abner Malabanan at lokal na pamahalaan kaugnay nga prebelihiying diskwento sa mga kawani ng LGU-Tayabas sa tuwing kakain sa restaurant.

Masayang sinaludar ng mga may-ari ng Max’s Tayabas na sina Mr. and Mrs. Abner and Aloha Malabanan ang mga panauhin na kasama ni Mayor Piwa Lim na sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, SK Federation President Ren Miguel Obdianela at Barangay Isabang Chairperson Rizalde Valencia.

Patuloy na ipinadadama ni Mayor Piwa Lim at mga katuwang sa paglilingkod ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatibong nagtataguyod ng pag-unlad ng lokal na ekonomiya at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa komunidad.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Max's Restaurant-Tayabas, Nag-Relaunch; 10% Discount Para sa mga Kawani ng LGU-Tayabas, Inilunsad
Max's Restaurant-Tayabas, Nag-Relaunch; 10% Discount Para sa mga Kawani ng LGU-Tayabas, Inilunsad
Max's Restaurant-Tayabas, Nag-Relaunch; 10% Discount Para sa mga Kawani ng LGU-Tayabas, Inilunsad
Shared on
Scroll to Top