28 July 2026

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair kay Tatay Elmer Moral

Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair kay Tatay Elmer Moral
NAKATANGGAP NA RIN NG WHEELCHAIR BUHAT KAY MAYOR PIWA LIM SI TATAY ELMER MORAL ng Barangay Ibabang Nangka matapos ihatid ng alkalde sa kanilang bahay ang binili niyang assistive device ngayong Martes, July 28, 2026.

Kasama ng alkalde sa paghahatid ng wheelchair at food packs kay Tatay Elmer sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Dino Romero, SK Federation President Ren Miguel Obdianela at Ibabang Nangka Chairperson Jomar Zulueta.

Ang ipinamahaging wheelchair ay buhat sa personal na pondo ni Mayor Piwa Lim bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na matugunan ang pangangailangan ng mga indibidwal na may kapansanan at mga may limitasyon sa pagkilos. Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga wheelchair, inaasahan na mas mapapadali ang kanilang pang-araw-araw na gawain at mapapabuti ang kanilang kalalagayan sa buhay.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair kay Tatay Elmer Moral
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair kay Tatay Elmer Moral
Mayor Piwa Lim, Personal na Naghatid ng Wheelchair kay Tatay Elmer Moral
Shared on
Scroll to Top