29 July 2026

755 Barangay Appointed Officials, Tumanggap ng 2nd Quarter Cash Subsidy mula sa LGU Tayabas

755 Barangay Appointed Officials, Tumanggap ng 2nd Quarter Cash Subsidy mula sa LGU Tayabas
PITUNDAAN LIMAMPU’T LIMANG Barangay Appointed Officials - Treasurers, Secretary, BRK, at Bantay Bayan, ang tumanggap ng 2nd Quarter cash subsidy buhat sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa isinagawang payout ngayong Miyerkules, July 29, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.

Masayang binati ni Mayor Piwa Lim ang mga appointed officials na tatanggap ng subsidiya, at pinasalamatan niya ang mga ito sa serbisyong handog sa kanilang mga kabarangay.

Umabot sa P1,175,500.00 ang kabuuang halaga ng ipinamahaging cash subsidy bilang pagtanaw sa mahusay nilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa mga kabarangayan.

Dumalo rin sa payout sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Riza Llaneta, at Konsehal Luz Cuadra.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
755 Barangay Appointed Officials, Tumanggap ng 2nd Quarter Cash Subsidy mula sa LGU Tayabas
755 Barangay Appointed Officials, Tumanggap ng 2nd Quarter Cash Subsidy mula sa LGU Tayabas
755 Barangay Appointed Officials, Tumanggap ng 2nd Quarter Cash Subsidy mula sa LGU Tayabas
Shared on
Scroll to Top