29 July 2026

Mayor Piwa Lim, Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa Tayabas OPD Clinic

Mayor Piwa Lim, Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa Tayabas OPD Clinic
SURPRESA ANG PAGBISITA NI MAYOR PIWA LIM SA TAYABAS OPD CLINIC ngayong Miyerkules, July 29, 2026. Hangad ng alkalde na madatnan ang mga kawani ng pasilidad sa oras ng kanilang pagseserbisyo upang personal na makita ang aktwal na daloy ng operasyon dito.

Matatandaang mahigpit ang tagubilin ni Mayor Piwa Lim sa mga kawani na siguruhing maayos na napagsisilbihan ang mga pasyenteng nagpapakonsulta doon at naipagkakaloob ang mga pangangailangan ng mga may sakit ayon sa kakayahan ng Tayabas OPD Clinic.

Kasamang nagtungo ng alkalde sa OPD clinic sina Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Riza Llaneta, at Konsehal Luz Cuadra.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa Tayabas OPD Clinic
Mayor Piwa Lim, Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa Tayabas OPD Clinic
Mayor Piwa Lim, Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa Tayabas OPD Clinic
Shared on
Scroll to Top