30 July 2026

33 Motorista, Natiketan sa OCM-Traffic Operations Anti-Colorum Operation

33 Motorista, Natiketan sa OCM-Traffic Operations Anti-Colorum Operation
MARAMI PA RING PASAWAY NA MOTORISTA ANG NATIKETAN sa inilunsad na operasyon ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section ngayong umaga ng Huwebes, July 30, 2026, sa kahabaan ng CM Recto Street, sakop ng Barangay Angeles Zone-1.

Tatlumpu’t tatlong (33) traffic violators ang na-isyuhan ng citation tickets, bukod pa sa tatlong (3) impounded vehicles dahil sa kakulangan sa mga kaukulang dokumento. Ilan sa mga natiketan ay mga kawani ng lokal na pamahalaan dahil sa hindi pagsunod sa batas-trapiko.

Karamihan sa mga nahuli ay mga kolurum o di kaya ay lumabag sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009.

Sa buong buwan ng Hulyo, umabot sa dalwandaan animnapu’t tatlong (263) motorista ang natiketan. Samantalang dalwampu’t isa (21) namang tricycle at motorsiklo ang na-impound dahil sa inilatag ng operasyon ng mga otoridad.

Muling pinaalalahanan ng tanggapan ang mga tricycle drivers at operators na kumuha ng kaukulang prangkisa kung sila ay namamasada, sapagkat mas malaki ang multa at abalang dulot ng paglabag kumpara sa pagsunod sa mga itinakdang proseso ng pamahalaan.

Patuloy din ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa lahat ng motorista na sumunod sa batas trapiko para sa mas ligtas at maayos na daloy ng transportasyon sa Lungsod ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
33 Motorista, Natiketan sa OCM-Traffic Operations Anti-Colorum Operation
33 Motorista, Natiketan sa OCM-Traffic Operations Anti-Colorum Operation
33 Motorista, Natiketan sa OCM-Traffic Operations Anti-Colorum Operation
Shared on
Scroll to Top