4 August 2026

Lugar na Pagtatayuan ng 2-Story, 4-Classroom School Building sa ALSAM Integrated School, Binisita ng mga Opisyal ng Lungsod

Lugar na Pagtatayuan ng 2-Story, 4-Classroom School Building sa ALSAM Integrated School, Binisita ng mga Opisyal ng Lungsod
LUGAR NA PAGTATAYUAN NG 2-STORY, 4-CLASSROOM SCHOOL BUILDING SA ALSAM INTEGRATED SCHOOL, BINISITA NG MGA OPISYAL NG LUNGSOD

Binisita nina Mayor Piwa Lim, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, City Engineer Christian Tamaño, at City Architect Eladio Manzano ang lugar na pagtatayuan ng isang 2-story school building na may apat (4) na silid-aralan sa ALSAM Integrated School noong Lunes, Agosto 3, 2026.

Ang naturang proyekto ay ipatutupad sa ilalim ng programa ng Department of Education (DepEd) na naglalayong matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa Schools Division Office (SDO)–Tayabas. Layunin nitong makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at dekalidad na kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Tayabas.

Inaasahang sisimulan ang konstruksyon ng nasabing school building sa mga susunod na buwan bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng mga pasilidad pang-edukasyon sa lungsod.
 
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Lugar na Pagtatayuan ng 2-Story, 4-Classroom School Building sa ALSAM Integrated School, Binisita ng mga Opisyal ng Lungsod
Lugar na Pagtatayuan ng 2-Story, 4-Classroom School Building sa ALSAM Integrated School, Binisita ng mga Opisyal ng Lungsod
Lugar na Pagtatayuan ng 2-Story, 4-Classroom School Building sa ALSAM Integrated School, Binisita ng mga Opisyal ng Lungsod
Shared on
Scroll to Top