5 August 2026

Mga Opisyal ng LPIHS SPTA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim

Mga Opisyal ng LPIHS SPTA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Nag-courtesy call sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim ang mga opisyal ng School Parent-Teacher Association (SPTA) ng Luis Palad Integrated High School, sa pangunguna ni SPTA President Polly S. Razalan at LPIHS Assistant School Head-Designate Reymond O. Hugo, ngayong Miyerkules, Agosto 5, 2026.

Layunin ng kanilang pagbisita na anyayahan ang alkalde sa gaganaping Induction Ceremony ng SPTA. Ibinahagi rin nila ang mga pangunahing programa at adhikain ng samahan upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng paaralan at ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng mga mag-aaral.

Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kapakanan at kinabukasan ng kabataang Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki


Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mga Opisyal ng LPIHS SPTA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Mga Opisyal ng LPIHS SPTA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Mga Opisyal ng LPIHS SPTA, Nag-Courtesy Call kay Mayor Piwa Lim
Shared on
Scroll to Top