6 August 2026

Special Recruitment Activity ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., Isinagawa sa Tayabas New City Hall

Special Recruitment Activity ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., Isinagawa sa Tayabas New City Hall
Kasalukuyang isinasagawa ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026, sa New Tayabas City Hall ang Special Recruitment Activity (SRA) ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., sa pakikipagtulungan ng Tayabas City Public Employment Service Office (PESO).

Dumagsa ang mga aplikanteng nagnanais makapagtrabaho sa ibang bansa para sa iba't ibang oportunidad sa larangan ng Hospitality and Food Services, Construction, Oil and Gas, Engineering, Automotive, Technical and Skilled Trades, Administrative and Professional Services, at Domestic Work.

Layunin ng naturang aktibidad na mabigyan ng mas malawak na oportunidad sa trabaho ang mga residente ng Lungsod ng Tayabas at mga karatig-lugar, partikular ang mga naghahangad ng overseas employment.

Hinikayat din ng Tayabas City PESO ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang mga programang tulad nito sa pamamagitan ng paghahanda ng kumpletong requirements at maayos na pagdalo sa interview upang mapataas ang kanilang pagkakataong makakuha ng trabaho.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas, sa pamumuno ni Mayor Piwa Lim, sa iba't ibang recruitment agencies at pribadong sektor upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Special Recruitment Activity ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., Isinagawa sa Tayabas New City Hall
Special Recruitment Activity ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., Isinagawa sa Tayabas New City Hall
Special Recruitment Activity ng Kenmore Placement Int'l Agency Inc., Isinagawa sa Tayabas New City Hall
Shared on
Scroll to Top