18 August 2026

25 Tayabasin, benepisyaryo ng TESDA Community-Based Training sa Bread and Pastry NC II

25 Tayabasin, benepisyaryo ng TESDA Community-Based Training sa Bread and Pastry NC II
Nag-courtesy call sa tanggapan ni Mayor Piwa Lim ang mga opisyal ng Bondoc Peninsula Technological Institute (BPTI) sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ngayong Martes, August 18, 2026.

Layunin ng pagbisita ng kanilang Vocational School Administrator Yolanda T. Manlapas ang maipaalam sa alkalde ang pagsisimula ng training ng dalwangput-limang (25) TESDA scholars ng Community- Based Training Program sa kursong Bread and Pastry NCII sa Barangay Mateuna Multipurpose Hall sa loob ng sampung (10) araw mula ngayong August 18, 2026 at magtatapos sa August 31, 2026.

Sa pakikipag-ugnayan ng BPTI sa Public Employment Service Office sa pamumuno ni PESO Manager Designate Malou Dichoso Montoya, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas ang pakikipag-ugnayan sa mga institusyong pang-edukasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kapakanan at kinabukasan ng mga Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
25 Tayabasin, benepisyaryo ng TESDA Community-Based Training sa Bread and Pastry NC II
25 Tayabasin, benepisyaryo ng TESDA Community-Based Training sa Bread and Pastry NC II
25 Tayabasin, benepisyaryo ng TESDA Community-Based Training sa Bread and Pastry NC II
Shared on
Scroll to Top