19 August 2026

Mga Opisyal ng Tayabas, Nakilahok sa Pagpupugay sa Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Quezon

Mga Opisyal ng Tayabas, Nakilahok sa Pagpupugay sa Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Quezon
NAKIISA ANG MGA OPISYAL NG LUNGSOD NG TAYABAS sa pag-aalay ng bulaklak sa munumento ni Pangulong Manuel Luis Quezon bilang pagkilala at paggunita sa kanyang ika-148 taong kaarawan ngayong Martes, August 19, 2026.

Magkakasamang dumalo sa okasyon sina Tayabas City Mayor Piwa Lim, Konsehal Ana R. Obispo, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Lus Cuadra, Konsehal Elsa Rubio, PKB President Conrado Aragon, SK Federation President Ren Miguel Obdianela, City Tourism Officer Wenda Sabirola-De Torres, City Tourism Operation Officer Koko Pataunia, at TCAO Focal Person Miguel Romero.

Sinimulan sa isang banal na misa ang seremonya sa Quezon Convention Center, na sinundan ng maikling programa ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Manuel L Quezon sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan.

Ang okasyon ay taunang ginagawa bilang simbolo ng pasasalamat at pagkilala sa kanyang matagumpay na pamumuno upang magkaroon ng pagkakaisa ang mamayang Pilipino sa pamamagitan ng isang wikang nagsisilbing tulay ng kultura, kasaysayan, at pagkamakabansa.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mga Opisyal ng Tayabas, Nakilahok sa Pagpupugay sa Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Quezon
Mga Opisyal ng Tayabas, Nakilahok sa Pagpupugay sa Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Quezon
Mga Opisyal ng Tayabas, Nakilahok sa Pagpupugay sa Ika-148 Kaarawan ni Pangulong Quezon
Shared on
Scroll to Top