26 August 2026

Mayor Piwa Lim, PDEA-Quezon Nagpulong Para sa Mas Pinaigting na Kampanya Kontra Ilegal na Droga

Mayor Piwa Lim, PDEA-Quezon Nagpulong Para sa Mas Pinaigting na Kampanya Kontra Ilegal na Droga
BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM SINA PDEA-QUEZON PROVINCIAL OFFICER AGENT JEREMY CARL JUNIO AT PDEA-QUEZON PROVINCIAL ASSISTANT OFFICER AGENT THEONETTE SOLAR ngayong Miyerkules, August 26, 2026, upang talakayin ang pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga sa Lungsod ng Tayabas.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang mga plano at hakbang na naglalayong higit pang palakasin ang koordinasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa mga pambansang ahensya, partikular ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na mapigilan at tuluyang masugpo ang pagkalat ng ilegal na droga sa komunidad sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon, pagpapatupad ng mga programa, at pagtutulungan ng mga kaukulang ahensya.

Dumalo rin sa pagpupulong sina City Social Welfare and Development Officer Irma Ilocario, CADAC Focal Person Anne Banaag at PMSg. Jessica N. Sedenio.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Mayor Piwa Lim, PDEA-Quezon Nagpulong Para sa Mas Pinaigting na Kampanya Kontra Ilegal na Droga
Mayor Piwa Lim, PDEA-Quezon Nagpulong Para sa Mas Pinaigting na Kampanya Kontra Ilegal na Droga
Mayor Piwa Lim, PDEA-Quezon Nagpulong Para sa Mas Pinaigting na Kampanya Kontra Ilegal na Droga
Shared on
Scroll to Top