BUONG ARAW NA NAGSAGAWA NG FRONTLINE SERVICES AWARENESS FORUM ANG MGA KINATAWAN NG IBA’T IBANG TANGGAPAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN sa Barangay Opias at Barangay Baguio ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026.
Ang nasabing akibidad ay pagtalima sa direktiba at pagtugon sa adbokasiya ni Mayor Piwa Lim na masigurong makararating sa lahat ng mamamayang Tayabasin ang mga tamang impormasyon at upang higit na maipabatid sa mga mamamayan ang mga programa at serbisyong handog ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Ibinahagi ng mga kinatawan ng iba’t ibang opisina ng LGU Tayabas ang mga serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga Tayabasin, kabilang ang mga programang pangkalusugan, panlipunan, pangkabuhayan, edukasyon, at iba pang serbisyong direktang nakatutulong sa komunidad.
Ibinahagi ni Crisostomo Abrigo, kinatawan ni Mayor Piwa Lim sa forum, ang kahalagahan ng pagiging mulat ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan upang mas marami ang makinabang sa mga serbisyong inilaan para sa kanilang kapakanan. Hinikayat din ang mga residente na makiisa at makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng LGU upang agad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mga suliranin sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng LGU Tayabas ang mga programang naglalayong ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa bawat barangay bilang bahagi ng hangarin nitong makapaghatid ng mahusay, mabilis, at makataong serbisyo para sa lahat.