27 August 2026

120 Kabataan, Lumahok sa Job Fair; 7 Hired on the Spot sa Tayabas

120 Kabataan, Lumahok sa Job Fair; 7 Hired on the Spot sa Tayabas
Kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, nagsagawa ng Job Fair at Mobile Services ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK President Ren Miguel Obdianela, katuwang ang Public Employment Services Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Mary Lou D. Montoya, ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.

Umabot sa 120 aplikante ang lumahok sa job fair, kung saan pitong (7) aplikante ang matagumpay na Hired on the Spot (HOTS) ng mga employer.

Personal na dinalaw ni Mayor Piwa Lim ang job fair upang batiin at makipagkumustahan sa mga kabataang nagnanais magkaroon ng trabaho, kasama sina Konsehal Rizza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Ana Obispo, at PKB President Conrado Aragon.

Kasabay rin ng aktibidad ang Mobile Services mula sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, Philippine Statistics Authority (PSA) / PhilSys, at Community E-Center, na nagbigay ng iba't ibang serbisyo sa mga dumalo.

Patuloy ang pagsulong ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas, sa pakikipagtulungan ng SK Federation at PESO, upang makalikha ng mga oportunidad sa trabaho at makapaghatid ng serbisyong tunay na makatutulong sa mga mamamayan, lalo na sa kabataan ng Tayabas.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
120 Kabataan, Lumahok sa Job Fair; 7 Hired on the Spot sa Tayabas
120 Kabataan, Lumahok sa Job Fair; 7 Hired on the Spot sa Tayabas
120 Kabataan, Lumahok sa Job Fair; 7 Hired on the Spot sa Tayabas
Shared on
Scroll to Top