27 August 2026

Bagong 4-Palapag na SHS Building ng Luis Palad Integrated High School, Inaugurated at Itinurnover

Bagong 4-Palapag na SHS Building ng Luis Palad Integrated High School, Inaugurated at Itinurnover
ISINAGAWA ANG INAUGURATION AND TURNOVER CEREMONY NG BAGONG GRADE 12 SENIOR HIGH SCHOOL (SHS) BUILDING NG LUIS PALAD INTEGRATED HIGH SCHOOL sa Lungsod ng Tayabas ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026.

Ang bagong gusali ay binubuo ng apat na palapag na may kabuuang labing-anim (16) na silid-aralan, na magsisilbing karagdagang pasilidad para sa mga mag-aaral at makatutulong sa paglikha ng mas maayos at mas angkop na learning environment para sa kabataan.

Personal na dumalo si Mayor Piwa Lim upang makiisa sa inagurasyon, kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Minda Lim at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Dino Romero, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Rizza Llaneta, Konsehal Luz Cuadra, gayundin sina PKB President Conrado Aragon at SK President Ren Miguel S. Obdianela.

Dumalo rin sina Former 1st District Representative Trina Enverga, Zaldy Gariguez, Nathan Enverga at Matthew Enverga bilang mga kinatawan ni Representative Mark Enverga.

Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pondo ng Department of Education sa inisyatiba ni Quezon 1st District Representative Mark Enverga, bilang tugon sa pangangailangan ng mga paaralan ng mas maayos at sapat na pasilidad para sa mga mag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ni Luis Palad Integrated High School Principal Gregorio I. Racelis sa bagong gusali na inaasahang makatutulong sa patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pagbibigay ng mas komportable at maayos na learning environment para sa mga kabataan ng Lungsod ng Tayabas.

Naging tagapagpadaloy ng programa si Sir Niel Orven A. Talavera. Dumalo din ang mga kinatawan ng School Parent-Teacher Association (SPTA) at Alumni Association at iba pang bahagi ng komunidad ng paaralan.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Bagong 4-Palapag na SHS Building ng Luis Palad Integrated High School, Inaugurated at Itinurnover
Bagong 4-Palapag na SHS Building ng Luis Palad Integrated High School, Inaugurated at Itinurnover
Bagong 4-Palapag na SHS Building ng Luis Palad Integrated High School, Inaugurated at Itinurnover
Shared on
Scroll to Top