27 August 2026

2,000 Tayabasin, Binigyan ng Agarang Tulong Para sa Medikal at Iba Pang Pangangailangan

2,000 Tayabasin, Binigyan ng Agarang Tulong Para sa Medikal at Iba Pang Pangangailangan
DALWANLIBONG TAYABASIN NA NAKARARANAS NG KAKULANGAN SA PANGTUSTOS sa mga gastusing medikal at iba pang agarang pangangailangan ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026, sa Silungang Bayan ng Tayabas.

Isinagawa ang payout sa pamamagitan ng inisyatiba ni Quezon 1st District Representative Mark Enverga, na kinatawan sa payout ni Former Representative Trina Enverga, Matthew at Nathan Enverga.

Personal din na dumalo sina Mayor Piwa Lim at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Ana Obispo, at PKB President Conrado Aragon.

Ang AICS ay isa sa mga programang naglalayong magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang nakararanas ng krisis at iba pang mahihirap na sitwasyon.

Patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaang nasyunal at Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas upang maihatid ang mga programang panlipunan na tumutugon sa agarang pangangailangan ng mga mamamayan at nagsusulong ng mas maayos na kalidad ng buhay para sa bawat Tayabasin.

#LungsodnaInyongMaipagmamalaki

Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
2,000 Tayabasin, Binigyan ng Agarang Tulong Para sa Medikal at Iba Pang Pangangailangan
2,000 Tayabasin, Binigyan ng Agarang Tulong Para sa Medikal at Iba Pang Pangangailangan
2,000 Tayabasin, Binigyan ng Agarang Tulong Para sa Medikal at Iba Pang Pangangailangan
Shared on
Scroll to Top